Sa HDMF, nagpunta ako sa East Avenue/Kamias branch last week, to submit my requirements. Yung nag entertain sa akin, sabi, filled up na daw yung position na inaapplyan ko... Jan. 5 nila pinost, mga 1 week after Jan5 ko nakita, at the next week pinuntahan ko to submit. Ayun... Filled up na daw. Hehehe... Sabi pa, dapat daw nung nakita ko, nagsubmit na ako agad. Haller... Ang bilis nilang magprocess ah! Hahahaha!!
Next naman sa DepEd, 2nd week ng January ako nagsubmit... Tapos kahapon ay tumawag ako to follow up.. Unang tinanong sa akin ay......... Syempre name ko. Hahahaha!!! Tapos eto na ang pamatay... "Sino pumirma sa application mo?" Mega isip ako syempre kung ano ibig nyang sabihin.... Sagot naman ako ng, dun po sa nagreceive ko pinapirmahan... Explain siya ng konti, hanggang sa nahalata sigurong di ko magets ang ibig nyang sabihin.... Sabi na lang "Sinong pulitiko ang pumirma sa application mo?"
Hahahahahaha!!! Wowowee..... Pinalagpas ko muna.... Tapos nung bandang huli, napagtanto naming pareho na hindi pala siya yung "Linda" na hinahanap ko, at itatransfer nya ako dun sa tamang Linda.... Humirit naman ako bago nya transfer nang: "Mam, kelangan po ba me pulitikong endorser?".... Hahahaha!! Sabi eh, "Hindi naman, pero blah blah blah.."... Hahahahaha!!
Well, the last one, PHIC (Philhealth), eto mejo buntis ang dating.... Nag submit ako ng requirements kasabay nung sa HDMF, siguro Monday last week... Sabi sa akin, tatawagan ako next week (this week bale), for exam.... Pero, (buti naman....), Thursday last week, nagtext na for me to take the exam na daw on Friday (of last week)... De punta naman ako to take the exam.... Well, I thought I passed the exam.. Nyahahahahaha!!! Syempre, power of positive thinking - not to mention na tinititigan ko pa yung proctor - baka matakot eh. Hahahaha!!! Sabi sa amin.. tatawagan daw kami this week.... Sa mga makakapasa... Para mag take ulit ng exam ulit in the morning, and have the defense in the afternoon... Asteeeegggg.... Yun lang, Miyerkules na ngayon, wala pang call... Mukhang nagkamali ako ng akala. Hahahahahaha!!! Hindi gumana ang positive thinking ko, baka na-negate nung titig! Tsk tsk tsk!!!
Bakit kanyo "mukhang buntis" ang sinabi ko? Kasi kala ko positive eh... Yun pala negative ata. Hahaha!!!
Hmmnnnn..... Weird lang, medyo hindi na ako sanay sa mga number series. Hahahahaha!!! Dati, mga 1 minute each problem bago ko masagutan... Ngayon, mga 20 seconds na lang... Binabasa ko na lang kasi, after 20 seconds, laktawan ko na nga. Hahahaha!! =))
Me isa pa pala... Ay.. dalawa pala... Sa CITEM (Under ng DTI), pero office ay malapit sa MOA... Syet... Ang layo pala, nung pinuntahan ko.... Obviously, hindi ako gaanong sanay dun sa lugar. Hahaha!! Pero, nakapasa naman ako sa initial interview nila, at ini-sked ako for Interview daw sa Makati DTI! 8AM.. Linsiyak... Nagtaka ako dahil sa dami nang napasukan at naapplyan ko eh, nun lang ako nakadinig na 8AM ang interview. Nung tinanong ko kung sino hahanapin ko, errrr.... Hindi alam nung tumawag sa akin kung sino dapat kong i-approach... Basta punta lang daw ako dun at iprisinta ko sarili ko..... Allo? Are you there? Nyahahahaha!!! Ano ba naman yun!! Anyways, the next day na dapat nandun na ako (na hindi ko nga pinuntahan), me tumawag ulit sa akin na taga HR nila, sabi exam daw yun.... SonOfAGun.... Aysus!!!! Blah blah blah... Sabi sa akin, wait ko na lang daw ulet ang tawag nila for the re-sked (if ever).... ow hell.... este, oh well pala.... :D
Lastly (dahil parang nobela na ata ang nasabi ko dito, contrary to my promise na maiksi lang ito).... Yung sa DOST-ASTI naman... Dapat January 16, start ko na dun. Dapat me work na ako.... Eh me kung anong demonyong bumulong sa akin na "Contractual? Huwaaagggg!!!! Kung contractual din lang, de sa private ka na lang....)... Ako naman, nademonyo... Hahahaha... Kaya eto... Tambay ako....
Natuwa lang kaya ako nagkwento. As if you care sa aking sentimyento... Nyehehehehe!!!
Thursday, January 29, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment